Panginoon, mahal Kita
'Yan ang sa puso'y awitin
Sa buhay na 'to ay una Ka
Na unang umibig sa akin
Sa bawat araw biyaya Mo
Ay higit pa sa pangangailangan ko
Aking Panginoon
Kahit anong mangyari
Kahit anong kapalit
Ang lagi kong dalangin,
Ako ay gamitin mo, O Diyos
Susunod ako
Wala nang nanaisin
Wala nang nais gawin
Ang tanging minimithi
Ay ang kalooban Mo, O Diyos
Susunod ako
Tanggapin mo itong alay
At malugod ka ngang tunay
Ako ay tanging sa'yo lamang
Maglilingkod ng habang buhay
Sa kadiliman at bagyo
Ay maalala kong pangako sa'yo
Tanggapin mo itong alay
At malugod ka ngang tunay
Ako ay tanging sa'yo lamang
Maglilingkod ng habang buhay
Sa kadiliman at bagyo
Ay maalala kong pangako sa'yo
Susunod ako, Handog - Musikatha
No comments:
Post a Comment